Ang May-Akda

Cherissa A. Omega - May-AkdaSi Gng. Cherissa Abay- Omega ay nakapagtapos ng pag-aaral sa University of San Jose-Recoletos sa kursong Bachelor of Secondary Education – Filipino, at nakakuha na ng 39 na masteral units ng Filipino sa Cebu Normal University. Siya ay may walong taong (8) karanasan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa pribadong paaralan gaya ng The Sisters of Mary School-Girlstown, Asian College of Technology, University of San Carlos, Sacred Heart School – Ateneo de Cebu; at tatlong taong pagtuturo sa pampublikong paaralan tulad ng Mandaue City Comprehensive National High School, Cabancalan National High School at sa kasalukuyang Canduman National High School sa Siyudad ng Mandaue, Lungsod ng Cebu. Siya’y nakadalo ng maraming seminar ukol sa asignaturang Filipino at naniniwala na ang teknolohiya ay may napakalaking tulong sa paglinang ng kaalaman at karanasan sa ating pambansang wika.